Hindi tayo ganon..

Sabi nila, kapag mahal mo lulunukin mo pride mo kahit mabulunan kana, kahit hindi ikaw ang may kasalanan,ikaw yung unang magsosorry kasi ayaw mong lumipas yung buong araw na magkaaway kayo, dahil ayaw mong masayang ang oras nyo sa bangayan at batuhan ng mga masasakit na salita o hindi magkibuan..

pero totoo pala talaga na sa isang relasyon, isa lang ang  ganon.

Isa lang kasi ang mas nagmamahal.

 Isa lang ang handang magpakumbaba para sa kanila.

 Isa lang ang mas umiintindi.

Isa lang ang mas nagmamahal..

Yung isa, naFall nalang. Sumakay nalang. Kaya kahit na magaway okay lang.

Mag hihintay nalang na kibuin, 

Maghihintay na lambingin.

Maghihintay na mahalin ng sobra,

at kung hindi, hahayaan nalang. sumakay nalang din. NAFALL LANG KASI.

Hindi ba pwede na pareho?

Parehong mahal na mahal ang isa’t isa?

Parehong handang magpakumbaba?

Parehong takot mawala ang isa?

Parehong nagbibigay ng sobra?

Parehong umuunawa?

Parehong nagbibigay para sa ikakaayos at ikatatagal ng relasyon?

PANTAY. WALANG KULANG.WALANG BIASE.

Hindi na kailangang mag hintayan kung sino una kikibo o maglalambing dahil sabay kayo gagawa ng paraan para maging maayos.

Hindi na kailangang bilangin kung sino laging umuunawa o umeefort kase pareho nyo alam na kung ano man ang binibigay ng bawat isa ay higit pa sa kailangan.

Kapag ganun, napakasarap siguro magmahal. Wala ka ng nanaisin pang gawin kung hindi ang magmahal dahil nasusuklian ka.. sobra sobra pa sa hinigi mo.

Araw araw nkaukit ang mga ngiti sa mga labi mo dahil araw araw ka nyang pinapasaya.

Lalo pa siguro magiging masarap mabuhay.

Ang sarap siguro..

Kaso hindi tayo ganun..

Hindi tayo ganon..

Hindi.

 


Recovered from Tumblr account

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s